SOCO: Nang dahil sa Droga

Posted at 04/12/2012 5:51 PM | Updated as of 04/12/2012 5:52 PM

“Ang biktima, kung ito’y hindi intensyong patayin, isa o dalawang saksak.  Pero sa dami ng tinamong saksak ay talagang kaduda-duda.  Maaring ang gumawa nito ay nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.”

Nito lang ika-17 ng Pebrero, maagang umalis ng kanilang bahay si Antonina “Nina”  Manese-Labing papunta sa eskwelahan kung saan siya nagtuturo.
   
Pero, hindi na dumating ng eskwelahan si Nina.

Bandang alas siyete ng umaga, natagpuan ang kanyang bangkay, duguan at tadtad saksak.  Tila ba may galit ang salarin.

Pero dahil wala namang kaaway ang biktima, hinala ng mga otoridad, gawa ito
ng taong nasa impluwensya ng ipinagbabawal na droga.

Samahan si Gus Abelgas at tutukan ang imbestigasyon sa madugong sinapit ni Nina sa ABS-CBN SOCO.

Ngayong Biyernes pagkatapos ng Bandila. April 13, 2012